• Today on Livelancer

  • Top 10 List of the Month

Bisita Iglesia and Campaign Propaganda

Kung isa kayo sa mga followers ko sa Twitter, mapapansin niyong karamihan sa mga tweets ko ay naglalaman ng galit sa mga plagiarists. Gusto ko mang gawing subject ng article ko yun, hindi ko pa kayang gawing tactful yun. So, ito muna. Abangan niyo na lang na mapuno na talaga ako, at gagawa rin ako. Promise.

April 1, 2010. Oo, April Fool's day. Pero kung devout Catholic ka, isasantabi mo iyon para sa paggunita ng Maundy Thursday. At dahil diyan, Bisita Iglesia time. Pero teka, ano nga ba ito? Bibisita ka sa pitong simbahan upang mag-Way of the Cross. Or kung ayaw mo, bumisita ka at magdasal. Hindi ko inaasahang magiging memorable kahit paano ang Bisita Iglesia namin. Kasi naman, yung mga simbahang napupuntahan namin dati, ano... Ganito na lang. Katapat nito ang munisipyo. Bale, ang munisipyo, napakaganda. Parang mansyon. Ang simbahan naman, parang kinalambaan ng sangkaterbang kalabaw, binagyo ng Ondoy at Pepeng, at nilindol. Ang saklap. Ngayon, mga tipong parang airconditioned (pero malakas lang ang hangin), maganda ang loob, at maraming uri ng taong nakakasalamuha. Ang picky ko, 'no?

First stop: Yung simbahan sa tapat ng ATC. Sarado nga lang, so umalis na rin kami kaagad. Habang nasa daan, iniisip ko kung dadaan ba kami sa expressway o hindi. Ayun, hindi nga. At sa ilalim ng Alabang viaduct nagsimula ang aking pagkahilo. Hindi ko na ikukwento ang second to seventh stops namin kasi tinamad na ako at pare-pareho naman silang simbahan. Pwera lang sa fifth stop, kasi may sign na: "This is a sacred place. ... No dating allowed." Anak ng tinapa. May makikipag-date ba sa simbahan? Kung sa bagay, maganda nga naman.

Sabi ko nga kanina, hindi kami dumaan sa expressway. Tinahak namin ang "the road less taken". Siguro para maiwasan ang traffic at para hindi na magbayad ng toll fee sa bawat bayan. Sa pagdaan namin sa "the road", marami akong nakitang mga bagay na nagpapakulo ng dugo ko sa bawat pag-alis namin ng bahay: campaign propaganda. Samu't saring kulay, mapa-orange, yellow, green, orange ulit, name 'em and they have 'em. Mapa-poster, streamer, tarpaulin, o billboard na tinalbugan pa ang mga billboard ni Dingdong Dantes o kung sino mang hunk model whatsoever, meron din. Ang sakit sa ulo. Ang dami pang mukha.

Sa Muntinlupa pa yun a. Pagdating sa Laguna, mas malala pa. Iba't ibang klaseng material, kandidato, at lugar kung saan ito ipinapaskil. Flyovers, teritoryo ni Presidential Candidate. Yung palengke sa tapat ng istatwa ni Rizal sa tapat ng simbahan sa BiƱan, tadtad ng tarps at streamers at higanteng billboard ni Vice Gov na puro mukha niya. Yung mga poste ng Meralco, nilagyan ng streamers ni Congressman na pwede nang mag-artista imbes na kumandidato (may itsura naman e, mas may future pa siya). Pati mga residential houses, hindi pinalagpas. Puro pink na posters ni Mayor. Na puro mukha niya. Imagine, bahay mo, puno ng campaign material na puro mukha ng kandidato, at pink! PINK!

Oo na, nakuha na namin ang mensaheng gusto niyong iparating sa amin. May kakayahan kayong mamuno. Marunong gumawa ng batas. May malasakit sa bayan. Oo, alam na namin yan. Kaya pwede ba, bawas-bawasan niyo yung paglalagay ng mga campaign material niyo. At teka, diba nasa patakaran yan ng Comelec na dapat nasa "designated campaign area" lamang kayo maglalagay ng mga propaganda niyo? Simpleng batas lang yan a, hindi niyo pa masunod? Paano naman kayo susundin ng tao? O, sa tingin niyo iboboto pa kayo ng tao? Hmm... I don't think so.

Sa madaling salita, mas tumatak sa isipan ko ang mga ito kaysa sa totoong rason ng pag-alis namin ng bahay: ang bisita iglesia. Salamat na lang at buhay pa ako matapos ang lahat ng ito. I'll sum up my experience with one sentence.

The road less taken will eventually lead you to multitudes of campaign propaganda. So take the expressway.


Plagiarists, you're next!

Filed Under: , , ,

blog comments powered by Disqus